Usuari:Leeheonjin/proves
Aparença
Pagpapahayag sa Panmunjom
[modifica]Teksto ng Deklarasyong Panmunjom
[modifica]« | Na habang nasa kaganapan ng napakahalagang sandali ng makasaysayang pagbabago sa Tangway ng Korea, na isinasalamin ang pangmatagalang paghahangad ng madlang Koreano para sa kapayapaan, kasaganaan at pag-iisa, iginanap nila Pangulong Moon Jae-in ng Republika ng Korea at Punong Tagapamunong Kim Jong-un ng Komisyon ng Kaganapang Pang-estado ng Demokratikong Pangmadlang Republika ng Korea ang Kumbre ng Dalawang Korea sa 'Tahanang Pangkapayapaan' sa Panmunjom noong ika-27 ng Abril 2018.
Taos-pusong ipinahayag ng dalawang pinuno sa harapan ng 80 milyong Koreano at sa buong daigdig na wala nang magaganap pang digmaan sa Tangway ng Korea at ganoon pa man ay nagsimula na ang bagong kapanahunan ng kapayapaan. Ang dalawang pinuno, na pinapanghawakan ang matibay na pag-pangako upang pasinayaan ang mabilisang pagtapos sa labi ng Malamig na Digmaan ng nagtagal na pagkakahati at harapang pang-komprontasyon, na lakas-loob na harapin ang bagong kapanahunan ng pambansang pagkakasundong muli, kapayapaan at kasaganaan, at pagbutihin at linangin ang ugnayan ng dalawang Korea sa higit na masiglang paraan, na nakapahayag sa makasaysayang pook ng Panmunjom bilang mga sumusunod:
|
» |